wednesday's child wrote:Chubby321 wrote:I professed the love for this band only after they hired Arnel. I was very honest from the start how I got to know and love this band. And you should know it by now.
I will not renounce "my fan-ship" nor you cannot make me buy Infinity or TBF.

I have my preference and that is Arnel with Journey. And I really like Neal, as a matter of fact, I am a proud facebook friend of Neal.

Chubby,
1.
Lubos ang tuwa at pagmamalaki ko nang mapili si Arnel ng Journey, at kung hindi man ako datihan pang
tumatangkilik sa Journey, ay gugustuhin ko pa ring makilala't marinig ang mga nakaraang likha ng banda. Para
magtakip-tenga ka sa mga dating mga album nila ay salungat sa gawa ni Arnel mismo, na siyang kumakayod
sa pagbigay-parangal sa nasabing mga pamana nina Perry, Augeri atbp; sa entablado at sa plaka.
2.
Ang pangit ng dating mo.Kung ang mga binitiwan mong salita ukol kay Augeri, at 'tapos nun, kay Frank, ay walang malisya, ang naiisip
pa rin ng mga nakakabasa ng salita mo ay meron nga. Marapat na pag-aralan mo ang iyong paraan ng
pakikipag-usap, at kung BAKIT naiisip ng marami na pangit ang mga bigkas mo.
3.
Ang pasan na binuhat ni Augeri ay hindi makakayang buhatin ni Arnel.
Kaka-alis lang ni Perry nun, na siyang kilala ng napakarami na boses ng Journey. Kahit sino ang kapalit niya,
babatikusin. Lalo pa kung taga-ibang bansa, at hirap pa'ng mag-Inggles --mawalang-galang na kay Arnel, pero
medyo hirap naman talaga siyang makipag-usap sa wikang Inggles.
4.
Si Arnel, ay pinili dahil sa hawig ang boses niya kay Perry. Hindi exacto, pero kasinungalingan para
sabihin na iba pa ang dahilan kung bakit siya napansin ni Neal sa YouTube. Maganda ang boses, at hawig sa
boses-Perry, kaya nakuha si 'Nel.
wech
Alam mo Welch hindi sana kita sasagutin kaya lang sa dami nang taong ipapagtaggol mo ay yuon pang tao na ang pastime ay hamakin at liitin ang kapwa mo Pilipino at si Arnel. At sa baho nang mga words na lumalabas sa bunganga niya ay siguro paminsan minsan dapat makatikim din siya na mainsulto para matikman niya ang masasakit na salita na binibitawan niya tunkol sa mga kapwa mo Pilipino at kay Arnel. Ako ay humingi nang paumanhin at kung hindi niya tanggapin ay wala akong magagawa. Sana naman, dahil na offend ka sinabi ko tungkol sa kanya, dapat 10x kang ma offend sa mga panlalaiit niya sa mga kapwa natin Pilipino.
Kailan ang istorya nang buhay nang isang tao ay naging disrespectful? Kaya ako naging fan nang Journey ay dahil kay Arnel. Hindi ako fan nang Journey noong araw. Ako yung tinatawag nilang new breed na fan. At hindi lang ako fan sa salita, pati sa gawa dahil ako ay gumagastos para mapanood itong banda na ito. Hindi lang ako ang ganito marami pang mag puti, taga Chile at ibang nasyon na kaya naging Journey fan sa ngayon ay dahil nagustuhan namin si Arnel. iyon ay tunay na buhay at hidi pagiging disrespectful. Ewan ko kung bakit hindi maintindihan iyon nang ibang tao dito.
Huwag mo akong intindihin Welch, kaya ang tawag dito ay forum kasi may kanya kanya tayong storya at paniniwala. At ito ang nag papasikat sa forum na ito. Kaya ko lang nasabi ang tungkol kay SA ay dahil ang sabi dito, kaya lang sikat si Arnel ay dahil kaboses siya ni SP. Hindi ako naniniwala na yun lang ang dahilan kung bakit may konting success ang banda. Isa lang yun sa dahilan at may iba pa. Kung talagang boses lang ang kailangan para sumikat, bakit si Arnel ay may kontrata lang for one year. Kasi gusto nilang makita kung si Arnel ay may "it factor" at mag click siya sa manoond. Para yang artista, hindi porke ikaw ay mahusay umarte ay box office hit din ang pelikula mo. Dapat ang mga tao ay may desire na mapanood ka at maaliw sa performance mo para sila bumalik at manood ulit nang concert. Sino ba ang nagpapakahirap gabi gabi? Di ba ang buong banda? Katulad nga nang sabi ni Oprah, bibalik bi Arnel ang magic sa Journey. Hindi yun diss kay SA, comparison sa nangyayari sa band ngayon. May respeto ako kay SA, gusto ko nga siya, katunayan may mga kanta siya na nasa ipod ko.
Eh ano kung hindi marunong mag inglis sa Arnel, eh hindi naman siya Amerkano. Alam mo dito sa America si Arnel ay mas magaling pang mag inglis kaysa sa ibang nasyon. Hindi ko yun kinahihiya. Kung may pinasan si SA, ganoon din si Arnel. Nakalimutan mo na ba kung paano hinamak nang husto nuong iannounce siya na frontman? Pero nagpapakirap siya na magampanan ang trabaho niya para ay tao ay satisfied kapag lumabas nang concert.
Hindi lahat nang tao ay fan ni SP, hindi ibig sabihin nuon na hindi mo siya nirerespeto, ang tao lang ay makanya kayang gusto. Nangyayari yun kahit kanino. Yun sana ang maintindihan nang mga tao dito na diehard ni SP. Kanya kanya lang yan na panahon.